Killing the national language in the classroom


▶︎ In late May to early June, our more culture- and academic-related social media feeds were taken over by news of the Supreme Court's decision to remove Filipino language and Philippine Literature subjects from the college curriculum. This sides with the Commission on Higher Education's (CHED) directive to give universities and colleges the freedom not to teach Filipino subjects. The discussion of course is about how this will affect the strengthening of the "national language" and of national culture in general: what of a nation that refuses to teach its youth about the value of a common language? And at a time when the country is in the throes of a deliberate, blatant, and abusive Chinese "invasion," too. Jerry Gracio, teacher and writer, fleshes arguments out in so many Facebook statuses, published here with permission. — KSS.


***

MAY 26 2019

Wala nang Filipino at Panitikan or Philippine Literature subjects sa college, batay sa Resolusyon ng Korte Suprema noong Marso 5, 2019. Kinatigan ng Korte ang CMO 20 ng CHED, na nagtatakda ng core courses sa kolehiyo, at nagtatanggal sa Filipino at Panitikan. Ayon sa order, maaaring (may) ituro sa English o Filipino ang core courses. Pero dahil "may" ang nakalagay sa order, karamihan ng schools, pinipili na ituro ang core courses sa English. Resulta: binuwag na ng mga higher education institutions ang kanilang Filipino at Literature departments, tanggal ang mga nagtuturo ng Filipino at panitikan, kay raming teachers ang mawawalan ng trabaho. Pero bukod sa trabaho, dapat pag-isipan ang implikasyon nito sa patuloy na pagbubuo ng consciousness natin bilang bayan. Ang punto ng hiwalay na concurring opinion ni Justice Leonen (na nakasulat sa Filipino), puwede naman daw nating maipahayag ang kaluluwa ng bayan gamit ang ibang wika, tulad ni Rizal na nagsulat sa Español, o nina Nick Joaquin, Miguel Syjuco, Gemino Abad, at Conchitina Cruz na nagsusulat sa Ingles. Kung susundan ang katuwiran ni Leonen, maaaring sabihin na hindi naman talaga natin kailangan ng Wikang Pambansa; ang kaluluwa ng bayan ay maaaring mapagyaman gamit ang kahit na anong wika; Spanish man, English o Chinese. Ano ang implikasyon nito sa pagdevelop at pagpapayaman, hindi lang ng Filipino kundi ng iba pa nating katutubong wika?


Kung kayang tanggalin ang Filipino sa kolehiyo, ano pa ang kinabukasan ng pagsusulong sa pag-aaral ng iba pang katutubong wika sa ating mga pamantasan? Sa gitna ng napakalabnaw nating tindig laban sa China, nilulusaw nito ang diwang makabansa.


Ang ibig kong sabihin, tinatanggal natin ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo habang ibinabalik ang ROTC. Sabagay, mas madaling kontrolin ang mga estudyante na sisigaw lang ng "Yes Sir!" kesa sa mga estudyanteng nagbabasá at nag-iisip, sa wikang naiintindihan nila at malapít sa kanilang mga sikmura.


MAY 27 2019

Ang totoo, CHED ang may kasalanan sa lahat ng ito. Sa perspective ng CHED, hindi natin kailangan mag-aral ng panitikan o wika. Sapat na 'yung magkatrabaho pagkatapos grumadweyt. Tinuturuan tayo ng panitikan na mag-imagine ng mga posibilidad; itinuturo sa atin ng pag-aaral ng wika ang intricacies ng grammar, syntax, etc--ang kahulugan sa likod ng kahulugan ng mga salita.


Mas madaling pasunurin ang mga mamamayan na dahop sa kapasidad na mag-imagine. At ano ang silbi ng wika sa panahong walang halaga ang mga salita?


MAY 27 2019

Magsasalita ako hindi bilang Komisyoner ng KWF kundi bilang manunulat. Ang totoo, matatapos ang problema natin sa CMO 20 kapag naglabas ng bagong memorandum order ang CHED; dahil ang desisyon ng Korte Suprema ay nakabatay sa CMO 20. Makitid ang legalistang pagtanaw ng Korte Suprema sa usapin, mukhang hindi na sila matitinag (jusko, ano ang aasahan natin sa Korte na pumayag na ipalibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos?). Napakadaling mag-isyu ng bagong memo, pero ayaw itong gawin ng CHED. Ang katuwiran dati ng bagong chair ng CHED, maghintay sa bagong board dahil hindi naman ang kasalukuyang board ang nag-issue ng CMO 20. Pero bago na ang board, wala pa ring bagong memo. Anti-Filipino ang CHED Chair na si Prospero de Vera. Dapat itong ipamukha sa kanya.


MAY 29 2019

NAKAKAIRITA NA. Callous at insensitibo ang pag-welcome ng Commission on Higher Education (CHED) sa Supreme Court ruling hinggil sa CMO 20, sa halip na pakinggan ang hinaing ng mga tutol sa kanilang memorandum order. Ang pahayag ni CHED chair Prospero de Vera na ang mga eskuwelahan ay maaari na ngayong isama ang mga "...innovative reforms in their various curricula that may include language proficiency not just in Filipino but also other Philippine languages such as Ilocano, Waray, Cebuano, Ilonggo (sic), Pangasinan, Bicolano, and Asian languages that will make graduates regionally and globally competitive" ay isang malaking panlilinlang at may tendensiya na pag-awayin ang mga nagtatanggol sa Filipino laban sa mga tagapagtaguyod ng ating mga katutubong wika. Kung nakuha ngang tanggalin ng mga higher education institutions ang Filipino--batay sa memorandum order ng CHED--nang wala pang desisyon ang Korte, ano ang garantiya na ituturo ang iba pa nating katutubong wika sa mga kolehiyo? Ang CHED ang dahilan ng pagtokhang ng Filipino sa tertiary level. Anti-Filipino ang CHED, kung paanong ahistorical ang pagtanaw ng Korte sa usapin ng wika. Dapat papanagutin ang CHED sa pangunguna ni de Vera, hindi lamang sa pagkawala ng Filipino at Panitikan sa ating mga unibersidad, kundi sa pagkawala ng kabuhayan ng maraming mga guro. Nananawagan ako sa mga guro ng Filipino, estudyante, at lahat ng mga stakeholder na araw-arawin ang protesta sa CHED para kalampagin ang kanilang mga sulipat at makitid na pagtanaw sa usaping ito, at baka sakali, makalaya ang kanilang mga utak na hanggang ngayon ay nagagapos ng kaisipang kolonyal.


MAY 31 2019

Sa recent interviews, kahit pilit na itago sa mga paikot-ikot na pagbanggit sa desisyon ng korte, malinaw ang posisyon ng CHED chair: Hindi kailangan ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Iginigiit ng chair na ipaubaya sa mga unibersidad kung ituturo ito o hindi, sa ngalan ng "academic freedom." Ayon sa chair, hindi lang dapat Filipino ang ituro kundi iba pang mga katutubong lengguwahe, na isang uri ng panloloko. Dahil paano ito gagawin kung kolonyal at elitista ang oryentasyon ng marami sa ating mga pamantasan? Kung hindi nila ituturo at gagamitin ang Filipino — na itinatakda bilang pambansang wika sa ilalim ng Konstitusyon, ano ang garantiya na ituturo nila ang ang Waray, Pangasinan, Bicolano, at iba pa nating mga katutubong wika, sa mga pamantasan? Komersiyal ang ating sistema ng edukasyon, na ang laging buzzword ay "global competitiveness" kaya Ingles ang gagamitin nito sa paniwala na mas madaling makakuha ng trabaho, lalo na sa abroad, kung mahusay ang kanilang graduate sa Ingles. Hindi nila ituturo ang Panitikan — wala itong silbi sa edukasyon na ang tanging layunin ay ma-employ ang mga tao.


Bakit ka nga naman tuturuan pang mag-isip sa sarili mong lengguwahe; o palakasin ang diwang makabansa — na siyang function ng pagkakaroon ng pambansang wika; o mag-imagine ng mga posibilidad, ng mas mabuting lipunan--na siyang function ng Panitikan — kung ang layon lang ng pamantasan ay makapasok ka sa trabaho, lalo na sa abroad? Sa ilalim ng ating kolonyal, elitista, at komersiyal na sistema ng edukasyon, nagpo-produce tayo ng mga graduate na mahusay ngunit hindi marunong.


Sabagay, baka nga hindi na natin kailangan ng Filipino dahil hindi magtatagal, Mandarin ang papalit sa Ingles bilang wika ng mga elite. Baka nga tama ang patakaran ng CHED, hindi kailangan ng alipin na magsalita sa sarili nilang wika, ni hindi nila kailangang mag-isip. Kailangan lang nilang makinig at sumunod sa wika na bibigkasin ng kanilang mga amo.


JUNE 4 2019

Iyong pinakamahuhusay nating writers sa English, wala namang problema sa Filipino. Conchitina Cruz attended the Tanggol Wika press con; I heard Cristina Pantoja Hidalgo say: Ano ba problema nila sa Filipino, e kailangan naman talaga natin ng national language. Hope Yu, who writes in English and Cebuano is pushing for the translation of Cebuano texts in Filipino, bridging the gap between our languages. Marami sa pinakamagagaling na Ilocano writers natin (sa kabila ng away sa ortography) ay sumusuporta sa pagpapanatili ng Filipino at Panitikan sa college. Itong mga chaka writers lang naman ang may isyu — kunwari nagwawagayway ng banner ng multi-lingualism, pero ang totoo, gumagawa ng kanilang mga ghetto. Hindi kataka-taka kung pangit silang sumulat.


JUNE 4 2019

Nakaigpaw na dapat tayo sa mga tanong kung kailangan natin ang English. Kasi kailangan naman talaga natin dahil gusto ko mang basahin si Adorno in the original German, sa English ko lang siya mababasa dahil Americano ang sumakop sa atin at hindi German o French, kaya American ang ating educational system.


Ang tanong ay kung kailangan ba natin ang national language — isang bagay na matagal nang na-settle noon pang 1935. Sa ayaw natin o sa gusto, Filipino na ang de jure at de facto national language, ang ating lingua franca.


Kapag nagkita ang isang Bisaya at Kapampangan, hindi sila mag-i-Ingles—maliban kung pareho silang alta, in which case, malamang hindi English ang gagamitin nila kundi French o Spanish, o sa tulad kong altang-alta ang circle of friends, malamang Bekinese. Ang mga (mis)edukado na lang natin ang may isyu sa national language—lalo na ang mga manunulat na nagtatayo ng kanilang mumunting mga imperyo labas sa imperial Manila.


Si Jerry B. Grácio ay isang manunulat, guro, at Kinatawan ng Wikang Samar-Leyte, Komisyon sa Wikang Filipino.

EMAIL: gaslightph@gmail.com.

WEBSITE COPYRIGHT: 2018. Copyright of essays revert back to authors.

© 2023 by The Artifact. Proudly created with Wix.com

This site was designed with the
.com
website builder. Create your website today.
Start Now